Pasabog ang national pageant ng Miss Universe South Africa ngayong taon matapos ibunyag ang hanay ng selection panel at backstage hosts.

Apat lang naman sa mga nakoronahan sa prestihiyusong Miss Universe ang dadalo sa finals night ng naturang pageant.

Bubuo sa selection panel ang reigning Miss Universe na si Andrea Mezo mula Mexico kasama si Miss Universe 2015 Pia Wutzbach ng Pilipinas at si Miss Universe 2018 first runner-up Tamaryn Green ng SA.

Magsisilbing backstage hosts naman sina Miss Universe 2018 Catriona Gray ng Pilipinas at ang naging successor niyang si Miss Universe 2019 Zozibini Tonzi.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kilalang isa sa malalakas na bansa ang bansang South Africa sa Miss Universe competition kaya’t di mapigilang mamangha ng pageant fans, lalo na ang masugid na Pinoy pageant followers, sa pagsasama ng apat na titleholders sa nabanggit na coronation night.

Sa Oktubre 16 magaganap ang Miss South Africa 2021 Finale.