Naghain si incumbent mayor Maria Josefina “Joy” Belmonte ng kanyang certificate of candidacy (COC) para hangarin ang ikalawang termino bilang alkalde ng Quezon City nitong Martes, Oktubre 5, sa opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa Quezon City.

Kasama ni Belmonte sa paghahain ng COC ang kanyang running mate na si Vice Mayor Gian Sotto.

Nagsilbing bise-alkalde ng lungsod si Belmonte mula 2010 hanggang 2019.

Nitong Lunes, Oktubre 4, kinumpira ni Representative Mike Defensor ang kanyang pagtakbo bilang alkalde ng Quezon City at nakatakda itong maghain ng kanyang COC sa Oktubre 7.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Allysa Nievera