Usap-usapan ang 'pagpalag' umano ni GMA Primetime Queen Marian Rivera sa batikang broadcaster at news magazine host na si Korina Sanchez-Roxas sa event ng 'Beautederm' noong nakaraang linggo.

Tinawag at ipinakilala kasi ni Korina si Marian bilang 'Primetime Queen' bagay na nakapagpaasiwa kay Marian, kaya ang sabi niya kay Madam Korina, "Ms. Korina, Marian na lang! Wala na 'yung Queen chuchu! Queen ng bahay namin!"

SHE BANGS! Marian Rivera slays new hairstyle at 36 – Manila Bulletin
Marian Rivera (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Korina Sanchez-Roxas defends self from criticisms over use of ivermectin vs  COVID-19 – Manila Bulletin
Korina Sanchez-Roxas (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Subalit giit naman ni 'Rated Korina,' bakit siya maaasiwa kung ito naman ang titulong ibinigay ng Kapuso Network sa kaniya.

"Yang titulo na 'yan, 'di mo naman 'yan binigay sa sarili mo. Binigay 'yan ng network sa ;yo kaya angkinin at samsamin mo 'yan," saad ni Koring.

Sa pagpasok umano ng isa sa mga A-listers ng Kapamilya noon at bagong Kapuso na ngayon na si Bea Alonzo, marami ang nagsasabing baka maghati sila sa trono at korona sa network.

Bagama't walang teleserye at hindi napapanood sa Primetime, abala naman si Marian sa taping ng 'Tadhana' bilang host, gayundin sa kaniyang negosyo na 'Flora Vida' na talaga namang dinadagsa sa reservation sa bawat collection na inilalabas niya.