Hindi malilimutan sa isip at puso ni Sir Zaldy Ordiales Bueno, isang head teacher sa isang pampublikong paaralan, ang naging engkuwentro niya sa isang 50 anyos na teacher applicant na may kapansanan, kasama ang ama nito na 75 anyos na at siyang nagtutulak sa kaniyang wheelchair noong 2019.

Naantig ang mga netizens sa viral Facebook post noong 2019 ni Sir Zaldy matapos ang kaniyang panayam o job interview kay Edwin Garin mula sa Atimonan, Quezon.

Ayon sa teacher applicant na si Sir Edwin, nahinto ang kaniyang pag-aaral nang siya ay madisgrasya. Nahinto siya sa pag-aaral, kaya noong 2019 lamang siya nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong Edukasyon, medyor sa asignaturang English.

“Na-delay po ang pag-aaral ko dahil sa aksidente kaya naka-wheelchair po ako. Buti na lang, nakapag-ALS ako noong 2014 at nakapasa sa test at naka-graduate ng high school noong 2015," salaysay ni Edwin kay Sir Zaldy.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

"Nag-college po ako sir para matupad ang pangarap ko. Nag-education po ako at nakapasa sa LET noong 2019. Kaya sumusubok po ako ngayong mag-apply para makatulong sa magulang.”

Larawan mula sa FB/Zaldy Ordiales Bueno

Larawan mula sa FB/Zaldy Ordiales Bueno

Larawan mula sa FB/Zaldy Ordiales Bueno

Dagdag pa ni Edwin, anim na taon na umano siyang matiyagang tinutulak at sinasamahan ng kaniyang 75-anyos na ama. Alam niyang hirap na rin ito sa katawan, subalit matiyaga pa rin siyang inaalalayan. Kaya naman sa kabila ng kaniyang kalagayan, nagbaka-sakali siyang mag-aplay bilang guro.

Matapos umanong marinig ni Sir Zaldy ang makabagbag-damdaming kuwento ng buhay ni Edwin at ang ipinakitang dedikasyon nito, personal na iminungkahi ng head teacher ang pangalan nito sa ibang mga paaralan na naghahanap ng aplikanteng guro.

At dahil nga sa kaniyang nasaksihan, isang paalala ang iniwan ni Sir Zaldy.

"Sa mga kabataang malalakas pa sa kalabaw at wala namang mga kapansanan, sino tayo para sumuko? Sino tayo para bumitaw na sa mga hamon ng BUHAY? Sino tayo para umayaw?"

"Students don't only need to learn nouns and verbs, but most importantly, they need to learn how to fight life's challenges. because of his unique determination, many students will be challenged and enlightened by Edwin," saad pa ni Sir Zaldy.