Sa ekslusibong interview ng "BYS Cosmetics PH," inamin ng Korean actor na si Hwang In Yeop na nais nitong bumisita sa Pilipinas partikular na sa dati nitong tirahan sa Davao City.

"If I can visit next year, I think it will be for the first time in 12 years," pagbabahagi nito.

Sinabi nito na gusto niyang kumain ng lechon at kung magkakaroon siya ng pagkakataong makabisita sa Pilipinas ay kakain siya nito.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Inamin rin nito na natutuwa siya sa kanyang pagkapili ng isang cosmetics brand mula sa Pilipinas.

Aniya, "Im very pleased. I think it's very thrilling and meaningful to be a model for a brand in the Philippines where I used to live."

Nagpasalamat naman siya sa pagmamahal at suporta ng mga taga-suporta niya sa Pilipinas.

"Although I'm incomplete, but the fans support me a lot with their warm love. I sincerely thank you for your love. If there is an opportunity, I really want to visit the Philippines. Fans in the Philippines, I love you," ani Hwang In Yeop.

Nanirahan si Hwang In Yeop sa Davao sa loob ng apat na taon kaya naman malapit ang loob niya sa mga Pilipino.

Mapapanuod si Hwang In Yeop sa mga K-drama na “W.H.Y.,” “Freshman” (2019), “The Tale of Nokdu” (2019), “18 Again” (2020) at "True Beauty" (2020).