Ibinahagi ni Jake Ejercito ang cute na conversation thread nila ng kaniyang anak na si Ellie sa kaniyang Instagram post.

Mababasang ipinapaalam ni Ellie sa kaniyang Daddy Jake na pupunta sila ng kaniyang Mommy Andy (Eigenmann) kasama ang partner nito na si Philmar Alipayo sa champion ng weightlifting nitong Olympics 2020 na si Hidilyn Diaz.

Tinanong ni Jake kung bakit sila makikipagkita kay Hidilyn, subalit hindi rin alam ni Ellie. Kaya naman, nagbilin na lamang si Jake na magpa-autograph ito sa atleta, dahil ito ang kauna-unahang atleta sa Olympics na nakapag-uwi ng gold medal sa bansa. Nang tanungin niya ang anak, hindi nito nagawa ang bilin niya. Natawa na lamang si Jake.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Larawan mula sa IG/Jake Ejercito

Larawan mula sa IG/Jake Ejercito

May be an image of 2 people and people standing
Larawan mula sa IG/Jake Ejercito

"Sometimes I'm shocked by how she's so much like me," aniya. Bumawi naman ang anak dahil ipinadala nito sa kaniya ang litrato nila ng gold medalist.

Nitong Setyembre 24 ay ibinahagi ni Jake ang larawan nila ni Ellie habang magkayakap, dahil kailangan na nitong bumalik sa poder ng kaniyang Mommy.

Makikita rin sa IG ni Jake ang kanilang mga bonding moments ni Ellie habang nasa kaniyang poder sa buong 2020 dahil sa pandemya at travel restrictions.

Sa isang Facebook post noong Marso 2021, ibinahagi ni Jake kung paano siya pinupuri ng mga netizens sa pagiging mabuti raw niyang ama para kay Ellie. Para sa kaniya, wala naman siyang ginagawang espesyal; ginagawa lamang daw niya ang nararapat para sa kaniyang anak.

“I’m just trying to be the best dad for my daughter,” aniya.

“God knows how it would’ve turned out without the guidance and support extended to me/us by my parents, siblings, relatives, friends, and our kasambahays.”

Pinuri din ni Jake si Andi bilang “great co-parent'.

“They da real MVPs! The photos and videos you see are mostly just me and Ellie, but it does take a village to raise a child and boy do we have an awesome one,” he said.

Jake Ejercito at Ellie (Larawan mula sa IG/Jake Ejercito)

Jake Ejercito at Ellie (Larawan mula sa IG/Jake Ejercito)

Jake Ejercito at Ellie (Larawan mula sa IG/Jake Ejercito)

Jake Ejercito at Ellie (Larawan mula sa IG/Jake Ejercito)

“To all young dads out there, there’s nothing more fulfilling and beautiful in the world than to grow with and be best buddies with your child,” dagdag pa niya.