Kinumpirma ng showbiz columnist na si Ogie Diaz na si ABS-CBN News Channel o ANC sports commentator at reporter na si Migs Bustos ang papalit sa iniwang posisyon ni Kim Atienza bilang weatherman sa news program na TV Patrol.

"Oo, cute 'yun… na-meet ko na 'yun, guwapo siya in person," segunda ni Mama Ogie. 

May be an image of 1 person, standing, suit and indoor
Migs Bustos/Larawan mula sa FB

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang panawagan ng mga Kapamilya fans na si Migs Bustos na lamang ang ipalit sa malaking tungkuling iiwan ni Kuya Kim. 

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/30/panawagan-ng-kapamilya-fans-si-migs-bustos-na-lang-pumalit-kay-kuya-kim/

"Kaabang abang na pagwe-weather forecast! Salamat Kuya Kim! HAHAHAHA."

"Mukhang mapapadalas panonood ko at mas magiging updated ako kung may papasok na bagong bagyo."

"Sana mas mahaba na ang weather forecast everyday hahahaha."

Ang buo niyang pangalan ni Migs ay Miguel Carlos Lim Bustos na isinilang noong Disyembre 4, 1988), at kasalukuyang sports television news anchor, commentator, reporter at model sa ABS-CBN, ABS-CBN Sports and Action Channel (noon), at ANC.

Panawagan ng Kapamilya fans: “Si Migs Bustos na lang pumalit kay Kuya Kim!”
Migs Bustos/Larawan mula sa Balita Online

Nagtapos siya ng Bachelor’s degree sa Business Management sa De La Salle University noong 2010.

Bukod sa pagiging media man, isa rin siyang lisensyadong real estate broker. Married na siya kay Michelle Mediana at noong 2020 ay isinilang ang kanilang baby girl na si Margaux Andrea. Isa rin siyang vlogger na may 6K subscribers.

Samantala, wala pa namang opisyal na pahayag ang ABS-CBN News and Current Affairs hinggil dito.