Hindi pa tapos ang Miss Universe Philippines fever!

Trending search kasi ngayon sa Facebook ang pangalang Vince Marcelo kasunod ng katatapos lang na Miss Universe Philippines 2021 nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 30.

Screengrab mula sa Miss Universe Philippines 2021 coronation night

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sino nga ba si kuya?

Matatandaang sa pag-anunsyo ng runners up, ilang escort ang umalalay sa mga kandidata sa gilid ng stage. Dagdag pag-iingat na siguro matapos ang naging pagkadapa ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang final walk.

Nang tawaging first-runner up ang kandidata ng Pangasinan na si Maureen Christa Wroblewitz, isang "cutie" guy ang umalalay sa kandidata at naging agaw atensyon pa nga sa social media ilang oras matapos ang coronation night.

Sa mga larawan kasing kumalat sa social media, bagaman nakasuot ng protective mask, bakas pa rin ang mapupungay na mata ng binsansagang “cutie escort.”

Agad namang kumilos ang certified Marites, nag-imbestiga at kumalat kalaunan ang mga larawang karamihang topless kaya’t litaw ang abs ni “cutie escort.”

Nakilalang Vince Marcelo ang nasbaing escort na bumihag nga sa puso ng mga pageant fans.

Narito ang ilan sa mga larawan ni Vince Marcelo sa kanyang Instagram.

Kabilang sa kanyang nasa higit 40,000 followers sa Instagram si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados at ang sikat na Filipino, openly-gay photographer na si BJ Pascual.