Matapos makoronahan bilang bagong Miss Universe Philippines ang pride ng Cebu City na si Beatrice Luigi Gomez, isang Facebook post ang viral ngayon sa Facebook matapos ibunyag ng isang netizen na nagkrus na pala ang landas nila ng kapwa taga-Cebu at tinaguriang crown contender rin na si Steffi Rose Aberasturi.

Paglalahad ng nagngangalang Meo Mua sa Facebook, noon pa man ay parehong suki na ng beauty pageants sina Gomez at Aberasturi. Sa katunayan, unang nagtuos sa isang school pageant ang dalawa noong 2012.

Dagdag ng netizen, si Gomez din ang nakoronahan sa nasabing pageant.

Habang hindi binanggit ng account kung saang eskwelahan unang nagkrus ang landas ng dalawang Cebuana queens, isang larawan ang ibinahagi nito kung saan makikitang magkatabi ang dalawa, bakas ang kanilang kabataan, hawak ang mga naiuwing pagkilala sa pageant.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagpatuloy umanong maging laman ng “pitong regional pageants” si Aberasturi. Sa kanyang winning-streak, kalauna’y tinawag siyang “undefeated queen” ng Cebu.

Magkasunod na taon namankinorohanan ang dalawa nang itanghal si Gomez bilang Bb. Cebu 2019 at naging succesor nito si Aberasturi taong 2020.

Matapos ang halos isang dekada, muling naglaban ang dalawa sa katatapos lang na Miss Universe coronation night nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 30.

Sa muling pagkapanalo ni Gomez, binansagan ng netizen si Gomez bilang “nightmare of Steffi.”

“Some say Beatrice can’t defeat Steffi but history repeats itself and Beatrice proved that indeed she can defeat the undefeated queen in the most prestigious pageant in the Philippines; The Miss Universe Philippines pageant!” bahagi ng caption ni Meo sa kanyang Facebook post.

Itinanghal na second runner-up si Aberasturi.