TRECE MARTIRES, Cavite-- Naghain ng certificate of candidacy (COC) nitong Biyernes, Oktubre 1 si Governor Jonvic Remulla para sa ikalawang termino bilang provincial chief executive.

Inihain ni Remulla ang kanyang COC sa Commission on Elections (Comelec) office kasama si Tagaytay City Councilor Athena Tolentino na tatakbo bilang Vice Governor.

Sa Instagram account ni Tolentino, makikita ang kanilang larawan ni Remulla hawak ang kanilang COC forms.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Athena Tolentino / Instagram / MANILA BULLETIN

Si Athena Tolentino ay anak nina Cavite 8th District Rep. Abraham Tolentino at Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino.

Carla Bauto Deña