Nasa higit 50,000 lang ang Instagram followers ng Cebu City delegate at ngayo’y bagong Miss Universe Philippines na si Beatrice Luigi Gomez, Huwebes ng gabi, Setyembre 30.

Ilang oras lang matapos koronahan, triple ang idinami nito o halos 150,000 nitong umaga ng Biyernes, Oktubre 1.

Kilalang masugid na pageant fans ang mga Pilipino kung saan umaabot ng daang-libo hanggang ilang milyon ang nagiging followers ng mga former beauty queens lalo na ang mga titleholders.

Sa pag-uulat, eksaktong nasa 150,000 na ang followers ni Gomez sa Instagram at may verified blue check na rin ito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa kanyang bio, nakalagay na rin ang titulong "Miss Universe Philippines 2021."

Sa Pilipinas, ang beauty pageant ay kabilang sa tatlong pinakamalaking 3Bs sports ng bansa: boxing, basketball at beauty pageant.

Matapos man ang journey ng mga beauty queens, ang mga ito'y kalauna'y nagiging maimpluwensya sa bansa.