Kinilig ang mga netizens sa isang mister na araw-araw at walang palya sa pagdalaw sa kaniyang misis na naka-quarantine sa hotel, kahit sa labas lamang ng hotel at sa tapat ng bintana ng unit ng misis.

Ayon sa panayam ng 24 Oras kay Diane Bel Ortiz-Catayog, nagtungo siya sa Amerika para bisitahin ang kaniyang mga magulang, at nang umuwi siya, kinailangan niyang sumailalim sa 10-day quarantine bilang pagtalima sa health protocols.

Halos araw-araw umanong nagtutungo sa hotel ang kaniyang mister at nagpapadala ng mga pagkain at mga bagay na kailangan niya. Ngunit hindi niya nakakaharap ito; bagkus, sumisilip lamang siya sa bintana upang masilayan nila ang isa't isa. Aniya, hindi pa rin nagbabago ang pagiging sweet ng mister, kahit na 9 na taon na silang kasal, at may tatlong anak.

Kahit paano raw ay nakakabawas sa anxiety ang mga ginagawa ng kaniyang mister.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Sa ikawalong araw ng kaniyang quarantine, nagkataon umanong ipinagdiriwang din nila ang 9th wedding anniversary. Sorpresang nagtungo umano ito sa hotel kahit hatinggabi at pinadalhan siya ng love letter at pumpon ng mga bulaklak.

Kaya naman payo ni Diane sa mga gaya niyang may asawa, panatilihing buhay ang pagmamahalan sa isa't isa.

"Gumawa kayo ng mga bagay na mae-express ninyo ang love ninyo sa isa't isa, kahit mga simple things lang na alam mong maa-appreciate ng partner mo," aniya.

Mahalaga rin aniya ang hindi paglimot sa mahahalagang okasyon sa isa't isa gayundin ang quality time.

"Kahit na gaano ka ka-busy in a day, don't forget to call them," paalala pa niya.

Kaya naman, mapapa-sana all ka talaga sa kanila!

Panoorin ang ulat via YouTube channel: