Inanunsyo ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez na palalawigin din nila ng dalawang linggo ang overseas voter registration para sa 2022 national elections.

Ang voter registration extension aniya y para sa mga overseas voters ay isasagawa mula Oktubre 1 hanggang 14, na kasabay sa petsa nang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kandidato sa Oktubre 1 hanggang 8.

“Registration of overseas voters is extended for two weeks - Oct. 1-14,” tweet pa ni Jimenez.

“Note that for overseas voting, the filing of COCs is not an issue, thus, the extension starts immediately,” dagdag pa niya.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Mary Ann Santiago