Ganap na ngang happily married man ang kauna-unahang Starstruck Ultimate Male Survivor na si Mark Herras o tinagurian ding “The Bad Boy of the Dance Floor. Iba na ngayon ang pananaw sa buhay ni Mark lalot mayroon na siyang asawa’t anak. Kaya naman bisi-bisihan ngayon ang aktor na kanyang ipinahayag sa documentary show ni Pia Arcangel na “Tunay na Buhay” ng GMA-7.

             

Mamimiss nga raw ni Mark ang kanyang anak na si Corky dahil mawawalay siya ng more than a month para sa lock-in taping ng kanilang teleseryeng “Artikulo 247” na mapapanood daw next year. Ofcourse mamimiss rin ni Mark ang kanyang loving wife na si Nicole Donesa.

              

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa tagal na rin sa industriya ni Mark inamin niyang si Jennylyn Mercado raw ang biggest part ng kanyang showbiz career. Sa ilang naging girlfriend ni Mark hangga't maaari ayaw raw niyang binibilang ang mga ito. Obvious naman dahil namula si Mark nang tanungin ni Pia isa isa ang mga naging dyowa ni Mark.

              

Naging paksa rin ang nangyaring issue tungkol sa kanila ng kanyang former manager na si Lolit Solis. Tungkol ito sa nanghiram daw ng P30K si Mark kay Lolit. Pinabulaanan ito ng aktor dahil taliwas ito sa mga ikinuwento ng kanyang Nanay Lolit. Paglilinaw ni Mark, “Siyempre nadamay na ang anak ko. Si Corky is breastfeed from day one. So sabi ko paano ako manghihingi ng panggatas e kung breastfeed si Corky from day one up to now.

             

“Sabi ko na lang sa interview namin kahapon. Alam mo naman yung mga manager, lalo na si Nanay talaga kapag ang mga alaga nila ay nanahimik sa industriyang ito gagawa at gagawa ng ingay yan para sa mga alaga nila.”

               

Giit ni Mark this time ayaw daw niya yung naging ingay dahil nadamay daw ang anak niya kaya humantong na sa paghihiwalay nila bilang talent at manager. Pero dagdag ni Mark patungkol kay Lolit, “Nanay is always be my Nanay.”

               

Ayon pa kay Mark hindi raw talaga siya humingi ng tulong kay Lolit maaari raw yung dati pa ginamit lang para lang umingay. Ang tangi raw hiningan ng tulong ni Mark kay Lolit ay mabigyan daw siya ng character role sa GMA-7. Sa point daw ng career ni Mark ngayon ayaw na raw niyang mag-ingay para lang pag-usapan.

              

Dahil daw diyan sa issue dumami raw ang mga indecent proposal na natanggap ni Mark mula sa mga LGBTQ members. Pero straight to the point na sinabi raw ni Mark sa mga ito na hindi niya kailangan.

               

Bagamat hindi na manager ni Mark si Lolit taos puso naman ang pasasalamat ng aktor sa kanyang dating manager. Wika niya, “Maraming maraming salamat Nanay for everything lahat naman ng narating ko sa industriyang ito ay dahil sa kanya dahil sa tulong niya bukod sa tulong ng GMA siyempre. Nanay is parang naging malaking part din ng career ko yan si Nanay ng buhay ko. Maraming maraming salamat Nanay for taking care of me lalo na yung time na nawala isa isa yung magulang ko.”

              

'Yun naman ang importante sa isang talent ang marunong magpasalamat at lalo na ang tumanaw ng utang na loob sa manager na laging nandiyan through ups and down. Yun na!