Magsisimula na ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Biyernes, Oktubre 1, kaya naman pinaalalahanan ni Senador Panfilo "Ping" Lacson ang mga Pilipino na kailangan ng Pilipinas ng isang pangulo na magkakaroon ng ibang "brand of leadership" upang tumugon sa mga epekto ng COVID-19 pandemic at iba pang problema ng bansa.

“Running for president of this country should not be aimed against any particular person,” ayon sa pahayag ni Lacson isang araw bago ang paghahain ng COCs nitong Huwebes, Setyembre 30. 

“Rather, it must purely depend on our honest desire to uplift the lives of our countrymen who have suffered more than enough from incompetence and shameless corruption, mostly caused by the callous machinations of those in power whose conscience has given way to their greed,” dagdag pa nito.

Binigyang-diin ni Lacson, na tatakbo bilang presidente kasama si Senate President Vicente Sotto III bilang vice presidential candidate, na nasa giyera pa rin ng COVID-19, unemployment, at gutom ang bansa.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“We cannot anymore afford a ‘more of the same’ brand of leadership during this crucial time in our nation’s history. We should know by now that it doesn’t work,” ani Lacson.

“We need a leader, not a pretender. We need a good leadership track record, not apprenticeship; we need tested honesty and integrity in public service, not lip service and double-speak,” paglalahad pa niya.

Tatakbo sina Lacson at Sotto at ang kanilang campaign slogan ay "We Need a Leader," at "“Kakayahan, Katapatan, at Katapatan"-- mga katangian umano na mayroon sila.