CAMP BADO DANGWA, Benguet – Sinunog ng mga awtoridad ang ₱678 milyong halaga ng marijuana sa limang araw na sunud-sunod na pagsalakay sa 72 plantasyon nito sa tatlong lalawigan ng Cordillera Administrative Region (CAR), kamakailan, ayon sa Police Regional Office-Cordillera.
Isinagawa ang operasyong tinawag na "Oplan Herodutos" nitong Setyembre 23-27 na nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga taniman ng marijuana sa Benguet, Kalinga at Mt. Province, ayon kayPRO-Cordillera Director Brig. Gen. Ronald Oliver Lee.
Sa Benguet, may kabuuang 11,850 fully grown marijuana plants (FGMP) at 24,780 seedlings na nagkakahalaga ng₱3,361,200.00 ang binunot sa 30 magkakahiwalay na marijuana plantation sites.
Kabuuan namang 2,241,500 FGMP at 1,640 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na aabot sa₱645,100,000.00 ang binunotmula sa 39 marijuana plantation sites sa Kalinga.
Sinunog din ang 152,000 FGMP na aabot sa₱30,400,000.00 mula sa tatlong plantasyon nito sa Mt. Province.
Zaldy Comanda