Mataas nga ang standard ng Pinoy pageant fans hindi lang sa mga kandidata kundi maging sa production ng Miss Universe Philippines (MUP) organization.

Pinag-uusapan online ang Facebook post ng isang pageant community kung saan makikita sa isang video ang stage rehearsal ng Final 28 para sa coronation night sa Huwebes, Setyembre 30.

Napansin ng fans ang tila ‘tinipid’ umano na stage setup at maiksing runway.

Una nang naiulat na sa Henna Resort Convention Center sa Panglao, Bohol gaganapin ang MUP 2021 coronation night.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Anyare sa stage[?] [P]arang pang barangay lang,” komento ng isang follower.

“Sta[g]e ng debutant,” isa pang reaksyon ng isang pageant follower.

“Highest crown ang MU [Miss Universe] pageant kaya na iintindihan ko din yung iba na medyo na disappoint[ed] sana k[a]hit sa stage bumawi man lang,” saloobin ng isa pa.

Hindi naman nagtimpi at kinumpara ng ilang fans ang production ng Binibining Pilipinas sa nakitang sneak peek sa stage rehearsal. Matatandaang ginanap ang Binibining Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City noong Hulyo.

“Hay nako, Kukunin-kunin nIyo MUP sa BBP wala naman pala kayong budget para sa magandang staging. Tantanan nyo ko, ikumpara nyo production sa BBP ang dami nyong issue. Dami nyo nang sponsor nyan ha, may bayad pa KTX nyo. Ibalik nyo nalang sa BPCI yung franchise ng MUP. Mabuti pa dun ‘di delayed ang airing at di mismo madamot sa airing,” diretsang ng isang dismayadong fan.

“Ano na MUP? Pinapababa nyo lang ang Quality ng MUP balik na sa BPCI [Binibining Pilipinas Charities, Incorporated].”

Ilang fans naman ang nagpahayag ng pag-unawa sa sitwasyon ng MUP sa gitna pa rin ng banta ng coronavirus disease sa Pilipinas.

“Hello grabe naman iba. 'Di nyo ba na isip mataas ang case nang PH sa virus. Isip nyo lagay nyo sa lugar; may crisis pa, may virus. Pasalamat kayo my ganap pa sila kaysa ibang bansa na na-appoint lang,” komento ng isang fan.

“Dami nyo hanash sa buhay. Kayo ang mag Plano tignan natin kung kaya nyo,” dagdag ng isa pa.

Samantala, hindi pa malinaw kung ang limitadong espasyong naipakita sa sneak peek ay kabuuang itsura na ng MUP stage sa finals night.