May posibilidad umanong mapalawig pa ang voter registration sa bansa hanggang Oktubre 31.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, nakatakdang magpulong ngayong Miyerkules, Setyembre 29, ang mga miyembro ng Commission en banc upang talakayin ang naturang isyu.

“The matter of extension of voter registration will be taken up by the en banc tomorrow, the 29th of September 2022,” ani Jimenez.

“After consultation with COMELEC officials, and in consideration of the public clamor, it is likely that an extension of the period of voter registration will be granted,” aniya pa.

Mangingisda, patay matapos bumara sa lalamunan ang buhay na isda

Nauna rito, nananawagan ang publiko at mga mambabatas na palawigin pa ng Comelec ang voter registration, na nakatakda nang magtapos sa Setyembre 30.

Nabatid na kapwa nagpasa na ng Senado at ang House of Representatives sa ikatlong pagpasa ang kani-kanilang bersiyon ng panukala para sa ekstensyon ng voter registration deadline upang mas marami pang botante ang makapagparehistro.

Matatandaang nais ng Senado at ng Kamara na magpatupad ang Comelec ng isang buwan ekstensiyon ng voter registration o hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Mary Ann Santiago