Sobrang tuwa at napaiyak ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya nang gulatin siya ni Alden Richards habang nag-oonline selling. Bakit kamo? Habang abala sa pagtitinda online si Betong sumulpot sa comment ang pangalang RJ Richards at sinabing, “Magkano lahat ng ibebenta mo diyan bets?”

Manghang mangha si Betong sabay tanong, “Alden ikaw ba yan?” Hindi raw niya alam kung si Alden yung nagtanong. Inulit pa ng RJ kung magkano sabay sabing siya nga raw si Alden. Pero kita sa mukha ni Betong na takang taka na may halong pag-aalinlangan na kung si Alden nga ba talaga ito. Hindi raw niya alam kung legit o nagtitrip lang ang RJ na nagcomment. Pati sa mga netizens natuliro at nalito bigla si Betong. Hindi raw kasi sila friends ni Alden sa Facebook.

Ang nakakaloka binilangan na siya nung RJ Richards kung magkano nga raw yung lahat ng ibinibenta ni Betong. Hindi raw alam ni Betong kung magkano lahat. Biro niya P100,000 daw sabay sabing joke lang at humagalpak na ng tawa

Habang hindi mapakali si Betong, napatingin siya sa cellphone niya at sinabing si Alden Richards nga si RJ Richards. Dahil sumagot daw ang handler ni Alden at kinumpirmang si Alden nga yung nagcomment na siyang ikinatuwa ni Betong.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nag-comment muli si Alden saad niya, “Bigyan mo ako ng 40k worth.” Napa-ha na lang si Betong sa sinabi ng aktor. Lalo na nang magbayad na si Alden at pinakyaw ang mga sale niyang items. Dito na naging emosyonal ang komedyante at naiyak.

Ani Betong, “Thank you. Den Salamat Den from the bottom of my heart, maraming salamat. Hindi ko ineexpect na dadaan ka dito. God bless you more Den.”

Humingi naman ng pasensiya si Betong sa kanyang mga followers sa pagiging emosyonal niya. Kaya raw niya ginagawa ito dahil nagdedecluttering siya ng mga gamit niyang nabibili sa abroad everytime na may show doon dahil sobrang dami na raw nito. Particularly yung mga nagamit na niya at mga hindi pa. Extra income na rin ito para kay Betong dahil yung kinikita raw niya sa online selling ay ipinantutulong niya sa pamilya niya. Ayos! 

Dante A. Lagana