Kung masakit para sa isang magulang na bastusin ng ibang tao ang kanilang mga anak, gayundin ang mga anak sa kanilang mga magulang---lalo pa't kung ang magulang ay isang gurong nararapat lamang na makatanggap ng pagkilala at paggalang sa kaniyang mga estudyante.

Hindi napigilan ni Laire Marie Machacon, isang cabin crew, na ilabas ang kaniyang sama ng loob sa mga estudyante ng kaniyang amang si Sir Hans Machacon, isang Math teacher, matapos itong murahin, bastusin, at alimurain sa group chat ng mga estudyante nito, dahil lamang sa modules. Sa pamamagitan din ng naturang Facebook post ay ipinagtanggol at binigyang-pugay niya ang ama.

May be an image of 1 person, standing and airplane
Larawan mula sa FB/Laire Marie

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

"To everyone who has really gone oceans and given light to people on their own experiences on how patient, kind-hearted, and good my father is, thank you," aniya.

Halos hindi umano siya makatulog nang mabasa niya ang viral Facebook post na naglalaman ng screenshots ng usapan ng mga estudyante sa group chat. Hindi siya makapaniwala na may magsasabi sa kaniyang ama na 'yawa' (isang uri ng mura), mamatay na ito, 'animal,' 'bobo,' at marami pang iba.

Nang sabihin umano niya ito sa kaniyang ama, nagkibit-balikat lamang ito. Hayaan na lamang umano sila. Bagay na hindi matanggap ni Larie Marie. Naihambing pa niya ang ama sa isang santo.

Hindi umano 'bobo' ang kaniyang ama; sa katunayan, isa itong Civil at Geodetic Engineer, at naging topnotcher pa sa board exam.

"Papa is both a Civil Engineer and a Geodetic Engineer, a TOPNOTCHER. And if you give him any Math problem, he'll look into it, study it for a few minutes and solve it. In other words, Papa eats numbers and equations for breakfast!"

Nalulungkot umano si Laire na ang mga estudyante ng kaniyang ama ay tila walang mga manners. Tinangka umano niyang makipag-usap sa mga magulang ng mga estudyanteng ito.

"These kids are around 12-14 years old and yes they may sound young but they are old enough to know what MANNERS are and which is right or wrong. I tried my best to reach out to the parents of the kids however I was only able to reach 2 of them. Professionally, I asked them if they are aware of what their kid did and what actions could have caused it and what can they do about it."

"It breaks my heart. I know it's not the first time that an incident like this has happened. There may be teachers who have experienced this type of behavior from their students but it was not known by many. All I can say is, I am looking forward to how this can be settled. There should be consequences for people who deserve it!"

"Again, thank you to everyone who's always cheering papa up. Love and light! To Papa Hans Machacon, you have a lot of genuine people who've got you pa. We all love you!" pagbibigay-pugay niya sa kaniyang ama.

May be an image of 1 person, child, standing and indoor
Larawan mula sa FB/Laire Marie

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng paaralang pinaglilingkuran ng kaniyang ama, o ang Department of Education o DepEd hinggil sa isyung ito.