Pinawi niChief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo nitong Sabado ang pangamba ng mga magulang sa panganib na susuungin ng kanilang mga anak sa pagsisimula ng face-to-face classes sa mga lugar sa bansa na mababa ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kanyang programa sa telebisyon, binanggit ni Panelo na handa na angDepartment of Health (DOH) upang matiyak na nananatiling ligtas ang mga mag-aaral sa limited face-to-face sa mga pling paaralan.

“Basta ang pagpapatupad po ngface-to-face classes,magiging ligtas po iyan. At saka doon lang naman gagawin iyan sa talagang walangCovidna lugar o mangilan-ngilan lang.So, safe ito," pahayag ni Panelo.

Matatandaanginaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing hakbang na ipatutupad sa 120 na pampubliko at pribadong paaralan na nasa low-risk areas.

National

‘Para pak na pak!’ Impeachment complaint vs VP Sara, next year na dapat tanggapin – Gadon

Pagtatanggol ni Panelo, aprubado ng Pangulo ang hakbang batay na rin sa rekomendasyon ng mga eksperto.

PNA