Tila nairita yata ang aktor na si Marco Gallo sa naging komento sa kaniya ng batikang TV host na si Kuya Kim Atienza, kaugnay naman ng komento ng aktor sa dating katambal na si Miss Universe Philippines candidate Kisses Delavin.

"All we see on your Instagram are… your sponsors. Post a little bit of your life. We do not know anything about your life anymore,” saad ni Marco sa virtual media conference ng kanilang pelikulang 'Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso' at may teleserye sa TV5 na 'Di na Muli' kasama sina Julia Barretto at Marco Gumabao.

Marco Gallo at Kisses Delavin (Larawan mula sa IG)

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Inulan naman ito ng maraming mga reaksyon at komento mula sa mga netizens, kabilang na si Kuya Kim.

“Your private life need not be shared on social media, Marco. She is blessed, she has lots of endorsements. You should be happy for her.”

Agad namang kumambyo ang aktor sa isang radio program. Ibinigay niya ang naging reaksyon sa naging komento ng TV host, na sumikat dahil sa pagsunod sa yapak ng yumaong Ka Ernie Baron sa ABS-CBN.

“I never said that I wasn’t happy for her. I mean, I was just saying, it would be interesting… You know, you look at your old school friends and you catch up on what's going on with their lives, that's all I meant,” depensa ni Marco.

Tila naging iba umano ang interpretasyon ni Kuya Kim sa kaniyang mga nasabi.

“I think he saw it in a different way. I just realize, in this industry, whatever you say, everyone has always something to say about it. And I know, I didn’t mean it that way."

“It’s just his comment, and I don’t think it was needed. I totally get this. But I’m sure he would have got my period too,” aniya.

Kim Atienza at Marco Gallo (Larawan mula sa IG)

Naging housemates sina Kisses at Marco sa 'Pinoy Big Brother Lucky 7' at naging magkatambal nang saglit pagkalabas nila ng Bahay ni Kuya.

Samantala, wala pa namang pahayag o komento si Kuya Kim sa sinabi ni Marco Gallo.