Dumating na sa bansa nitong Linggo ng hapon ang dagdag na tatlong milyong doses ng CoronaVac vaccine na gawa ng kumpanyang Sinovac at nabili ng gobyerno sa China.
Dakong 5:55 ng hapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 2 ang Philippine Airlines flight PR359 mula sa Beijing, sakay ang naturang bakuna.
Dahil dito, umabot na sa 69,699,340 doses ang kabuuang suplay ng bakuna sa bansa, kabilang ang44.96 milyong doses na binili ng gobyerno, 16.07 milyong doses mula sa COVAXfacility, 5.03 milyong doses ang nabili ng pribadong sektor atlocal government units (LGUs), at 3.64 milyong doses ang donasyon ng ibang bansa.
Sa kabuuang bakuna, nasa 39 milyon ang gawa ng Sinovac. Kabilang din sa suplay ng bakuna ang10.94 milyong doses ng Pfizer; 9.60 milyong doses ng AstraZeneca; 5.26 milyong doses ng Moderna; 3.24 milyong doses ng Johnson & Joshnson; 1.1 milyong doses ng Sinopharm; at 570,000 doses ng Sputnik V.
Paliwanag naman ng National Task Force, inaasahan pa nilang dumating sa bansa ang kabuuang2,438,500 doses ng COVID-19 vaccine bago matapos ang kasalukuyang buwan.
Martin Sadongdong