Mahilig ka ba sa lechon? Mahlig ka ba sa burger? Paano kapag pinagsama ang dalawa sa isang pagkain lamang?

Iyan ang pinagkakaguluhang pagkain ngayon na gawa ng 'Mate Burger,' isang Sydney-based foodtruck na nagtitinda ng mga pagkaing Pilipino at Amerikano, sa kakaiba at malikhain nitong mga sangkap at paraan.

Makikita sa opisyal na Facebook page ng foodtruck ang larawan ng lechon burger. Sa halip na magkapatong na bread buns, malalaking tipak ng crispy lechon belly ang nagsilbing tinapay, at sa gitna nito ay naka-sandwich ang beef patties, double cheese, pickles, sibuyas, at orihinal nilang gawa na 'mate sauce'

"The LECHON BURGER is back! Like an eclipse, some say you shouldn't look directly at it but blink and you may miss out!

Kahayupan (Pets)

Public apology ng 'pet-friendly' resto, hindi raw katanggap-tanggap?

Limited numbers daily for in-store orders at Bella Vista and Mt Druitt this week!" ayon sa caption.

Larawan mula sa FB/Mate's Burger

May be an image of burger
Larawan mula sa FB/Mate's Burger

Limitado lamang ito dahil itinitinda ang ganitong version tuwing summer season sa Australia. Ang isang order ay nagkakahalagang A$16 o katumbas ng ₱591.