Hindi inaasahan ng fast-food chain manager na si Mechelle Centurias mula sa Cebu City na ang feedback na mababasa niya sa iniwang resibo ng isang lalaking customer nila ay isang 'thank you' note at pamamaalam sa kaniyang nakalakhang kainan---ang Jollibee.

Ayon sa Facebook post ni Mechelle nitong Biyernes, Setyembre 24, ang naturang customer ay tahimik lamang na kumakain sa isang sulok. Pagkatapos maubos ang inorder na pagkain, tahimik din nitong nilinis ang kaniyang mesa, sinamsam ang mga pinagkainan sa tray, at dinala mismo sa claim area. Nakita ng isang service crew ang resibo na may nakasulat na mensahe sa likod nito.

No photo description available.
Larawan mula sa FB/Mechelle Centurias

Human-Interest

Welcome back! Alice Guo may free lifetime tarpaulin printing sa isang shop sa Cavite

Sa pag-aakalang ito ay complaint note, agad itong dinala ng service crew kay Mechelle. Subalit hindi napigilan ng manager na mapaiyak matapos mabasa ang mensahe; hindi dahil sa reklamo, kundi dahil sa pasasalamat at pamamaalam nito sa naturang fast-food chain.

"I was told that feedback is a gift. But this one is a totally different gift. It hits me to the core. I couldn’t hold my tears when I read this. One of our guests at Jollibee left this note at the back of his receipt. After silently eating at one corner of the store, he cleaned up his table, brought the tray to the claim area and left," salaysay ng manager.

"Our dining crew saw the note written on his receipt and gave it to me. I thought it was feedback from a dissatisfied customer but it wasn’t. It was a different 'thank you' message from someone who had his last Jollibee meal before his chemotherapy for stage 4 cancer. He was sharing that his doctor gave him 3 months to live."

Pupuntahan sana ng manager ang nasabing customer subalit nakaalis na umano ito.

"With a heavy heart, I immediately took the chance to look for the customer at the dining area but I was told he just left. I lost the chance to speak to him and to give him thanks and encouragement," aniya.

Nag-iwan na lamang siya ng mensahe para sa naturang customer, kung sakaling mababasa nito ang kaniyang Facebook post, na ngayon ay nag-viral na nga.

"To this 'brave someone' who just prepared himself for a big fight, we pray for your recovery. The 3 months your doctor gave you can be 3 years or 3 decades or longer. God gives miracles. We just have to believe and strengthen our faith.

I hope we’ve served you better and made you happy when you’re at Jollibee. Welabyu. #Jollibee #kwentongjollibee"

As of this writing ay hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng naturang customer.