Nagluluksa ang Adamson University kasunod ng pagpanaw ng baseball star na si Jerome Yenson.

Natagpuang walang buhay sa kaniyang tahanan si Yenson, 24, sa Nueva Ecija nitong Biyernes, Setyembre 24.

“Your memories and the legacy you left will always be treasured. Rest now, Superstar,”pahayag ng Adamson sa kanilang Facebook page.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pagkilala at pag-alala sa pumanaw na baseball star na si Jerome Yenson via Facebook page of Adamson University

Nanguna si Yenson sa pagkapanalo ng Adamson sa UAAP baseball crown noong 2018 matapos mapataob ang De La Salle University sa final series, ang kampeonato na tumapos sa eight-year drought ng unibersidad.

Bahagi rin si Yenson sa pambansang kupunan ng Philippine baseball team na nagkamit ng gintong medalya sa 2019 Southeast Asian Games.

Gabriela Baron