Kumasa ang boxing legend na si Manny Pacquiao Magnus Carlsen Celebrity Charity Challenge.

Makakalaban ni Pacquiao ang app version ng Norvegian chess champion Magnus Carlsen. Isa siya sa finalist ng event. Gaganapin naman ang Tour broadcast sa Oktubre 1.

Makakatanggap si Pacquiao ng 5,000 dolyar na ibabahagi naman niya sa napili niyang charity.

“I can’t wait to see how the legendary Manny Pacquiao does against a 10-year-old me on the Play Magnus app,” ani Carlsen, four-time world champion, sa isang pahayag.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

“I wasn’t world champion back then, but I was already playing decently so it’s going to be hard!” dagdag pa nito.

Nagpahayag naman ng kasabikan si Pacquiao.

“This is something that doesn’t happen every day and I will be placed in a different arena this time around,” aniya sa isang pahayag.

Samantala, sila Kristofer Hivju, Rainn Wilson, Joe Mantegna, Sal Khan, Liv Boeree, Sam Bankman-Fried, Maximilian Gunther, at Cuba Gooding Jr ay ibang pang celebrity na kumasa sa challenge.