Kita sa CCTV footage na nagkaroon ng mainit na alitan si Julian Ongpin at Bree Jonson bago matagpuang wala nang buhay si Johnson.

Ayon sa mga lawyers, naglabas ng opisyal na pahayag ang Flotsam & Jetsam, hostel na pinaglagihan ng dalawa, at sinabi na nahagip sa CCTV ang pagtatalo ng dalawa.

Ayon sa pahayag, labas-pasok si Ongpin at Jonson sa kanilang kwarto hanggang sa tuluyan nang namalagi ang dalawa sa loob.

Matapos ang 20 minuto ay nakita si Ongpin na lumabas at tumalon patungong ika-apat na palapag.

National

Ex-VP Leni Robredo, tatakbong alkalde ng Naga City

Noong bumalik si Julian sa kanilang kwarto ay agad rin itong lumabas nang may dalang hagdan. Isinampa nito ang hagdan sa pader, na kung saan ay naroon ng palikuran, at inakyat ang hagdan at inalis ang tatlong pagitan ng jalousie.

Bumaba rin ng hagdan si Ongpin at bumalik ng lobby nang balisa ang mukha.

Pabalik-balik naman si Onpin sa lobby at kwarto nito. Samantala, umakyat ang isang isang staff ng hostel para buksan ang kwarto kasama si Ongpin, at nakita na lang na wala nang buhay ang katawan ni Jonson.

Agad naman ni-report ang kaganapan sa mga awtoridad, at sinubukan pang dalhin si Jonson sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Sa report ng Regional Medical Center, mayroong mga pasa ang katawan ni Bree, nagpapatunay na mayroon panlalaban na naganap.

Hinihintay naman ng pamilya Jonson ang resulta ng autopsy sa Manila.

Samanta, nagpahayag naman ng pakikiramay ang nasabing hostel sa pamilya Jonson, at hinikayat na i-respeto ang privacy ng pamilya lalo na't nagluluksa ang mga ito sa pagkamatay ni Bree.