Nakapagtala ang Pilipinas ng 17,411 bagong kaso ng COVID-19 cases ayon sa Department of Health nitong Huwebes, Setyembre 23. 

Umabot sa 2,434,753 ang kabuuang kaso ng bansa habang 165,790 ang aktibong kaso.

95 na porsyento sa aktibo ng kaso ang mild o asymptomatic. Samantala, 0.7 na porsyento naman ang nasa kritikal, 1.5 na porsyento ang severe, at 2.73 na porsyento naman ang moderate.

Ayon sa DOH, asahan ang pagtaas ng kaso sa susunod pang mga araw at pinaalalahanan ang publiko na maging mapagmatyag. 

National

Ilang bahagi ng bansa, uulanin dahil sa shear line, easterlies

Anila, patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

“The case data showed that cases in the National Capital Region (NCR) continued to increase but at a slower rate,” ayon sa DOH.

Hindi pa umano oras para ibaba ang alert level sa Metro Manila na karaniwang nasa Alert Level 4.

“We have just started implementing the pilot alert level system/granular lockdown less than a week ago. While case metrics showed a slow down of newly reported cases, the downgrading of alert levels from 4 to 3 may still be premature to date,” anang DOH.

Kaugnay nito, umabot na sa 37,405 ang death toll matapos makapagtala ng 177 na mga namatay dahil sa sakit.

Nakapagtala rin ng 14,090 recoveries sanhi upang umabot sa 2,231,668 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Analou de Vera