Naging laman ng social media si Julian Ongpin dahil huling nakasama ito ng Pilipinong pintor na si Bree Jonson bago matagpuang walang buhay sa tinuluyang resort sa San Juan, La Union.

Sino nga ba si Julian Ongpin? At bakit ikinababahala ng ina ni Bree na baka gamitin nito at ng kanyang pamilya ang ang impluwensya nito habang gumugulong ang kaso sa pagkamatay ni Bree?

Larawan: Julian Ongpin Young Artist/FB

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Si Julian Ongpin ay anak ng bilyonaryong si Roberto “Bobby” Ongpin, tagapangulo at CEO ng Alphaland Corporation, at inilista ng Forbes bilang ika-22 sa pinakamayang tao sa Pilipinas sa taong 2021.

Ang ina naman ni Julian na si Della Stone ay isang kolektor ng mga likhang sining mula sa Pilipinas at Australia. Pumanaw ito sa sakit na cancer.

Nasa dugo na nila Julian ang sining. Kamag-anak nito ang Pilipinong Pintor na si Damian Domingo at lolo naman nito si Alfonso Ongpin, sikat na kolektor ng mga likha nina Juan Luna, Felix Hidalgo, at Fernando Amorsolo.

Kaya naman taong 2015, nang buksan ni Julian ang JOYA o Julian Ongpin Young Artists gallery sa Alphaland Makati Place.

Larawan: Julian Ongpin Young Artist/FB

At taong 2018, pinangunahan ng JOYO ang solo exhibition ng mga sining na gawa ni Jono Duran Pisano, kalahating Pilipino at kalahating Italyano na lumipad patungong Maynila matapos magtapos ng degree sa Fine Arts sa New York.

Samantala, nitong Setyembre 19, inaresto si Julian ng kapulisan at hinihinala na siya ang tao sa likod ng pagkamatay ni Bree.

Nagpositibo ito sa paggamit ng cocaine at ayon sa report ng kapulisan, naka-recover ang mga ito ng 12.6 grams ng cocaine.

Kinumpirma ni Police Regional Office 1 (PRO1) regional director Brigadier General Emmanuel Peralta na nilabag ni Julian ang Sec 11 at 15 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002.

Kahit na positibo sa ilegal na droga, pinaya si Julian ng provincial prosecutor’s office.

Kaya naman, naging dismayado ang pamilya ni Bree sa naging desisyong ito.

“Hindi lang naming maintindihan, diba it was supposed to be non-bailable, the fact that he had drugs on him," ani Jill Palarca, pinsan ni Bree, at tagapag-salita ng pamilya Jonson.

Ang ina naman ni Bree na si Sally Jonson ay nakumpirma na nobyo ni Bree si Julian.

"… when that friend who contacted me said she's with Julian, I said, 'Who's that?' And then she said, 'Bree's boyfriend. Ni hindi ko nga alam kung sino 'yan si Julian. And then, nung sinabi yung last name Ongpin, yeah, pamilyar yung last name," pagbabahagi ni Sally sa eksklusibong interview kay Karen Davila sa "ANC."

Larawan: screenshot mula sa YouTube ng ANC

Hinimok ni Sally ang Department of Justice ng look-out order laban kay Julian.

Basahin: Ina ng namatay na si Bree Jonson, humingi ng tulong kay Duterte, pinamamanmanan ang anak ng bilyonaryo

Hindi pa lumalabas ang autopsy ni Bree, na maaaring maging susi sa imbestigasyon ng kaso.

“Tutal kababayan ko naman si President. President Rodrigo Duterte, sana matulungan mo ako makakuha ng shortened quarantine and for justice sa anak ko kasi marami namang signs na hindi siya nag-OD, hindi siya nag-suicide,” samo ni Sally kay Pangulong Duterte.