Mas bumaba ngayong taon ang case fatality rate (CFR) ng bansa sa COVID-19 kumpara noong 2020, sa kabila ng malaking pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng sakit.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala lamang sila ngayon ng 1.47% CFR kumpara sa 2.47% na naitala noong 2020.

Ito’ykahit pa umabot lamang sa 472,205 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng 2020 kumpara sa 1,929,711 kaso mula Enero 1 hanggang Setyembre 21 ngayong taon. Nabatid na katumbas ito ng 309% na pagtaas sa mga kaso sa magkasunod na taon.

“Among all the regions, NCR (National Capital Region) which has the highest number of cases in 2021 had the lowest CFR at less than 1%," ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

National

Bilang ng mga naputukan pumalo na sa 43, ilang araw bago ang Bagong Taon

Sinabi ng DOH na ang pagbaba ng antas ng mga binabawian ng buhay sa kabila ng pagdami ng mga kaso ay dahil sa pagtaas ng kalidad ng 'healthcare system' at nakakayanan na ang mas mataas na demand para sa 'clinical assessment, referral', at paggamot sa mga nahahawaan.

Malaking tulong din anito ang COVID-19 vaccination program dahil sa napipigilan ang mas malalang kaso at hospitalisasyon ng pagpapabakuna ng publiko.

“The decrease shown in the national case fatality rate was multifactorial. One of the factors that the Department is considering is the overall improvement of the country’s healthcare system over the past year and its ability to cope with the higher demand for clinical assessment, referral, and management of cases,” payon kay Vergeire.

“The COVID-19 vaccination program also played a role in the decrease. Vaccines continue to provide the promised protection against more severe COVID-19 and deaths. Moreover, this was the effect of the strategies and behavioral-change campaigns implemented as early as August 2020 to mitigate the risk of transmission and slow down the spread of COVID-19,” dagdag pa niya.

Idinagdag pa ng DOH na ang CFR sa mga senior citizens noong 2021 ay dalawang ulit na mas mababa kumpara noong 2020.

Mary Ann Santiago