Kabilang sa nakiisa sa oath-taking ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party sa Cavite nitong Martes, Setyembre 21, ang batang aktor na si Nash Aguas.

Sa larawang binahagi sa Facebook nitong Martes, kasamang nanumpa si Aguas sa line-up ni Cavite Vice Mayor Denver Chua na nakatakdang tumakbo bilang alkalde ng lungsod.

Isang homegrown talent ng ABS-CBN si Aguas matapos madiskubre sa Satr Circle Quest noong 2004.

Bilang batang child actor, mainstay ng Sunday gag show “Goin’ Bulilit” si Aguas.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Kabilang rin sa pinagbidahang proyekto ng aktor ang mga teleseryeng “Bagito” at “The Good Son.”

Sa mga komento ng ilang followers, “Konsi Nash” ang tila tawag sa aktor, manipestasyon ng posibleng kandidatura ni Aguas bilang konsehal ng Cavite sa darating na Halalan 2022.