Pinal na ang kandidatura ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno pagka-Pangulo sa Halalan 2022, ito ang kinumpirma ni Manila Public information Office (PIO) chief Julius Leonen ngayong gabi ng Martes, Setyembre 21.

Makakatandem ni Moreno ang bigong senatorial aspirant noong 2019 na si Doc Willie Ong.

Naglabas din ng isang video, “Ako si Isko,” ang official na Facebook page ng alkalde nitong Martes na kumpirmasyon kasunod ng kaliwa’t kanang ulat sa kanyang kandidatura.

Si Moreno ang kasalukuyang Pangulo ng Aksyon Demokratiko.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Si Moreno ang ika-22 alkalde ng Maynila. Bago nito nagsilbi rin ng tatlong termino si Isko sa unang legislative district ng Maynila mula 1998 hanggang 2007 na kalauna'y nahalal bilang Bise-alkalde ng Maynila mula 2007 hanggang 2016.

Pormal na iaanunsyo ni Moreno ang kanyang presidential bid sa Miyerkules, Setyembre 22.