Umapela ang ina ni Bree Jonson na si Sally Jonson sa bilyonaryong si Roberto Ongpin na huwag gamitin ang impluwensiya nito para protektahan ang anak nitong si Julian Ongpin.

Nais nitong mag-issue ang Department of Justice ng look-out order laban kay Julian.

"Sana mabigyan mo ng tamang proseso, idaan natin sa investigation, 'wag yung idaan ninyo sa power and everything," pahayag ni Sally sa ekslusibong interbyu ng "ANC."

"I would like to really emphasize this urgency kasi baka si Julian nakalabas na ng bansa," dagdag ni Sally.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Setyembre 20, nang matagpuang walang buhay ang Pilipinong pintor na si Bree Johnson sa Flotsam and Jetsam sa San Juan, La Union.

Idineklarang dead on arrival si Johnson nang dalhin ito sa ospital.

Samantala, inaresto naman si Julian Ongpin, ang huling nakasama ni Bree bago ito mamatay, na kalauna'y pinalaya rin ng provincial prosecutor's office habang gumugulong pa ang kaso

Inaalam pa ang sanhi ng kamatayan ni Bree sa pamamagitan ng autopsy.

Humingi naman ng tulong si Sally kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, "Tutal kababayan ko naman si President. President Rodrigo Duterte, sana matulungan mo ako makakuha ng shortened quarantine and for justice sa anak ko kasi marami namang signs na hindi siya nag-OD, hindi siya nag-suicide."