Nasa “fourth wave” na ng coronavirus disease (COVID-19) infections ang Pilipinas sa kasunod ng muling pagsipa ng kaso sa bansa, ayon sa pinuno ng Philippine College of Physicians (PCP).
“Well, basically yes, if we consider the start of the pandemic as the initial or first wave, albeit small wave,”sabi ni PCP President Dr. Maricar Limpin sa isang text message sa Manila Bulletin.
Dagdag ni Limpin, ang kanyang pahayag ay base rin sa isang artikulo mula sa The Conversation.
Ayon sa website, ang The Conversation ay ang nagungunang tagapaglathala ng mga ulat at pagsusuri base sa mga naunang pananaliksik.
Sa artikulo ng The Covesation noong Setyembre 9, “four waves” ng COVID-19 na ang kinaharap ng bansa. Una, noong Abril 2020; pangalawa noong Hunyo hanggang Agosto 2020; at pangatlo, noong Abril 2021.
Hindi naman lubos na tumutol kung nasa ikatlo o ikaapat na wave na ang bansa nang tanungin si Dr. Rontgene Solante, head of the Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Department of the San Lazaro Hospital.
“The current wave is longer compared to the previous surge of cases. We started getting to have full occupancy in our ICU beds from third to last week of July and until now we see more cases,”sabi ni Solante sa isang text message sa Manila Bulletin.
Dagdag ng eksperto, ilang pasyente ngayon na mas mababa sa edad 60-taong-gulang ang naisusugod sa ospital kumpara sa mga naunang surge kung saan walang comorbidities pa ang ilan.
“We also experienced a very high secondary attack among (the) household of confirmed positives. This means higher household transmission compared to previous surge of cases,” dagdag nito.
Naniniwala naman si infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvana na ang pagtaas ng COVID-19 cases ay di dapat ituring na “wave.”
“I’d rather call them spikes than waves. Waves imply a single source of infection that spread[s]. It’s also not a formal epidemiological term,” ani Salvana sa Manila Bulletin.
“For COVID, it’s obviously multiple introductions and the cases increase in unison resulting in a peak,” sabi niya.
“Whether wave or spike, the bottomline is [this] increase in our healthcare utilization,” dagdag ng eksperto.
Binigyan-diin ni Salvana ang ginagapanang tungkulin ng bakuna sa pagpapababa ng panganib na dala ng sakit.
“The best way to address these spikes is to continue vaccinating to decrease the risk of severe disease while also working to increase healthcare capacity.”
Analou de Vera