Sinimulang buksan ng Civil Service Commission at Jobstreet Philippines ang government online career fair ngayong araw Setyembre 20 na tatagal hanggang Setyembre 24.
Aabot sa 119 government agencies ang nakilahok para sa mga job seekers ngayong taon.
Base sa anunsyo, sa 119 government agencies na nakiisa sa job fair, may 2,580 bakanteng trabaho ang bubuksan.
Sa kabuuang bilang ng vacancies, 765 dito ay mga first level positions, 1,811 ang second level positions, at apat ang third level positions.
Ayon sa CSC karamihan sa mga vacancies ay financial positions sumunod ang medical at health positions at general administrative positions.
Makaka-access ang mga aplikante sa online job fair sa pamamagitan ng pagpunta sa CSC website nawww.csc.gov.phat pag click sa GOCF banner sa itaas ng homepage.
Beth Camia