Tinatayang aabot sa 50 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱6 milyon ang narekober sa isang umano'y drug pusher sa gitna ng buy-bust operation sa Taguig City, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Kinilala ni NCRPO head, Vicente Danao Jr. ang naarestong suspek na si Fredo Diwan, 33, taga-Taguig, habang nakatakas naman ang kasabwat na si Agosto Antonio, 39.

Si Diwan ay dinakip ng mga awtoridad sa kanto ng C-6 at Service Road, Brgy. New Lower Bicutan, dakong 4:30 ng madaling araw nitong Setyembre 18.

Nasamsam sa suspek ang dalawang pirasong pinaghihinalang marijuana plants na nakalagay sa itim na paso, marked money, isang dark green Mitsubishi Delica (XFT 829), Android phone, at driver's license.

Metro

College student na suma-sideline bilang rider para sa pamilya, patay sa pamamaril

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea