'As a friend is out, 'mother figure' is in!

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang naging tugon ni Manay Lolit Solis, talent manager ng kontrobersyal na aktor na si Paulo Contis, kung bakit sa dinami-dami naman ng kaibigang babae at lalaki nito, si Yen pa ang piniling isama ng alaga sa malamig at romantikong lugar gaya ng Baguio City, sa mga panahong nagmumuni-muni ito.

Sagot ni Lolit kina Cristy Fermin at Mr. Fu kung saan kasama niya sa isang radio program, matalik na magkaibigan lamang sina Paolo at Yen na maaaring nabuo sa panahon ng shooting nila para sa pelikulang 'A Faraway Land' sa Faroe Islands sa Europe. Isa pa, mother figure umano kasi si Yen---masarap kausap maghapon hanggang gabi.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/15/manay-lolit-best-friends-lang-sila-mother-figure-si-yen/

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Napagtagni ngayon ng mga Maritess ang tungkol sa isyung kumakalat na may itinatagong junakis si Yen sa kaniyang 'open secret' na nakarelasyong pulitiko noon, na hanggang ngayong ay nananating alegasyon.

Ngunit sinagot na ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog na umere noong Setyembre 9 ang hinggil sa isyung ito, na naungkat dahil sa ginawang Instagram post ni Paolo noong Setyembre 8, para ipaliwanag ang kaniyang panig sa isyu ng hiwalayan nila ni LJ.

Sabi ni Ogie, wala umanong katotohanan na may anak na si Yen; ang batang itinuturong anak niya, ay kaniyang nakababatang kapatid.

"Nakarating nga sa akin na may anak na raw si Yen sa isang politician, na itinago raw… but the truth is… wala pong anak si Yen," ani Ogie.

"Iyan ang alam ko ha? Walang anak si Yen, at yung itinuturo nilang ah… anak niya, ay hindi po iyon anak ni Yen, kundi iyon ay kapatid daw ni Yen, na inanak sa binyag ng isang politician. Kaya doon ay usap-usapan na anak iyon ni Yen," paliwanag pa ng showbiz columnist.

Ogie Diaz at Jegs (Screenshot mula sa YT/Ogie Diaz Showbiz Update)

Waiting on Yen Santos – Manila Bulletin
Yen Santos (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Kung talaga umanong nagbuntis si Yen, malamang daw ay may mga litrato nang kumalat sa social media, lalo na sa panahon ngayong mabilis na ang pagkalap ng mga 'resibo.' Marami pa naman daw na mga 'Maritess' at 'Mosang' na nakanganga at nakaantabay sa mga showbiz chika.

Sa katunayan, galing din sa mga Maritess ang mga litrato at videos na magpapatunay na magkasama sina Paolo at Yen sa Baguio. Kaso, waley ngang mga ebidensyang kumalat.