Nakapagtala ang Department of Health ng 20,336 na bagong kaso ng COVID-19, ngayong Biyernes, Setyembre 17.

Base sa case bulletin ngayong Biyernes, umabot na sa 2,324,475 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa naturang bilang, 188,108 ang aktibong kaso.

Sa aktibong kaso, 87.6 na porsyento ang mild symptoms, 8.1 na porsyento ang asymptomatic, 0.6 na porsyento ang kritikal, 1.3 porsyento ang severe, at 2.49 na porsyento naman ang moderate.

Nakapagtala rin ang DOH ng 10,028 na nakarekober at 310 naman ang namatay sa sakit.

Koalisyong Makabayan, raratsada ng protesta sa Feb. 25 'may permit man o wala!'

Umabot naman sa 2,100,039 ang kabuuang bilang ng mga gumaling o 90.3 na porsyento ng total case count, habang ang death toll naman ay nasa 36,328 o 1.56 na porsyento sa case total.

“Nais nating lahat malampasan ng ligtas ang pandemyang COVID-19. Tungo dito, kritikal ang ating pagsunod sa minimum public health standards bilang pangunahing panangga laban sa pagkalat ng COVID-19," anang DOH.

“Kasabay nito, maging alisto sa mga sintomas at agad na makipag-ugnayan sa Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) o One COVID-19 Referral Center para sa karampatang gabay," dagdag pa nito.

Analou de Vera