Umaabot pa sa 21,261 bagong kaso ng coronavirus dsease 2019 (COVID-19_ ang naitala ng Department of Health (DOH) sa Pilipinas nitong Huwebes.

Ipinaliwanag ng DOH na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umakyat na sa 2,304,192 ang naitatalang total COVID-19 cases sa bansa hanggang nitong Setyembre 16, 2021.

Sa naturang kabuuang kaso naman, 7.7% o 177,946 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa.

Kabilang sa mga naturang active cases, ang 86.1% na mild cases, 9.2% na asymptomatic, 2.65% na moderate, 1.4% na severe at 0.6% na critical.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Naitala naman ang 13,644 bagong pasyente ang gumaling na sa sakit kaya umabot na sa 2,090,228 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 90.7% ng total cases.

Nadagdagan din ng 277 ang nasawi sa virus.

Mary Ann Santiago