Natuldukan na ang mga palaisipan ng paglipat, dahil nagbabalik-Kapamilya na ang tinaguriang 'Ultimate Heartthrob' na si Piolo Pascual matapos pumirma ng kontrata sa ABS-CBN, kasama ang mga Kapamilya executives, nitong Huwebes, Setyembre 16, 2021.
"Like a true gentleman who honors his word, Piolo Pascual today signed up anew with ABS-CBN, his home network for many years #PioloKapamilyaForever," saad sa caption ng Instagram post ng Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo Endrinal.
Hanggang ngayon din, logo ng ABS-CBN ang display photo niya sa Instagram.
Bago ang kaniyang pagpirma ay nauna na muna ang contract signing ceremony ng bagong Kapamilyang si Lovi Poe, na makakatambal niya sa Philippine adaptation ng 'Flower of Evil' na isang hit Korean drama, sa ilalim ng Dreamscape Entertainment.
Bukod dito, mukhang gagawa sila ng romantic-comedy series ni Kapamilya star Angelica Panganiban.
Inaabangan din kung babalik ba siya bilang host, o kung kailan siya iwe-welcome sa iniwanang musical variety show na 'ASAP Natin 'To.'