Chinika ng showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz na matapos ang pag-unfollow ng magkaibigang Daniel Padilla at Dominic Roque sa isa't isa, ang momshie naman ni Daniel ang nag-unfollow kay Dominic, at hindi lang siya, kung hindi maging sa jowa nitong si Kapuso actress Bea Alonzo.

Ayon sa entertainment vlog ni Ogie Diaz kasama si Jegs, hindi pa talaga matukoy ang puno't dulo ng gap sa pagitan nina Daniel at Dominic, na dati ay third wheel o kasa-kasama pa nito kapag may labas sila ni Kathryn Bernardo. Sapantaha ni Ogie, maaaring ito rin ang dahilan ng pag-unfollow ni Momshie Karla sa magjowang Bea at Dom.

LOOK! Karla Estrada pokes fun at self in recent post – Manila Bulletin
Karla Estrada (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Did Bea Alonzo call Dominic Roque 'hon'? – Manila Bulletin
Bea Alonzo at Dominic Roque (Larawan mula sa IG)

"Narinig ko lang ha… Parang may kinalaman nga ito sa Dominic Roque at Daniel Padilla na gap. Dahil,sa pagkakaalam ko Jegs, may nasabihan si Karla, na isang tao, na sinabi niyang si Dominic, malabo na silang magkaayos ni DJ (Daniel)," ani Ogie kay Jegs.

Inanyayahan naman ni Ogie si Karla na bukas ang kaniyang vlog para sa kaniya, kung nais nitong magsalita hinggil sa isyu.

"Eh anyway, kung nanonood si Karla, mabuti nang linawin niya ang isyung ito, para na rin sa kapanatagan ng loob ng mga fans ni Daniel, kung sila man ay nagtatanong din kung bakit nagkasira ang friendship ni Dominic at ni Daniel. Dahil sa pagkakaalam ko, sobrang tagal na sila (magkaibigan)," sabi ng nanghihinayang na si Ogie Diaz.