Pansamantalang sinuspinde ng Navotas City ang libreng walk-in COVID-19 RT-PCR (Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) testing matapos na magpositibo sa virus ang apat sa miyembro ng grupong nagsu-swab test sa lungsod.
Sa pahayag ng pamahalaanglungsod, naka-isolate na ang apat na dating nakatalagasa vaccination site sa Navotas City Sports Complex upang hindi na makahawa.
Idinagdag pa ng city government na ekslusibona lamang muna ang swab testing para sa close contacts at mahuhuling pasaway sa quarantine protocols.
Orly Barcala