Umaabot na sa kabuuang 104 na healthcare workers ang namatay matapos na mahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pinakahuling COVID-19 situation report ng Department of Health (DOH), hanggang nitong Setyembre 13, 2021 ay nakapagtala na sila ng 24,284 healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19.

Sa naturang bilang, aabot sa 104 ang binawian ng buhay, o 0.4% ng total infected healthcare workers.

Naitala naman ang 98.1% o 23,814 ng mga nagkasakit na healthcare workers, gaynman, nakarekober na mula sa karamdaman habang 1.4% pa o 366 ang nananatiling infected o aktibong kaso pa rin.

Nitong Martes ng hapon, naitala na ng DOH ang kabuuang 2,266,066 COVID-19 cases sa bansa.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Mary Ann Santiago