Ginulat ng sikat na singer na si Billie Eillish ang fashion industry kasunod ng kanyang pagrampa sa eleganteng Oscar de la Renta tulle dress sa Met Gala 2021.

Kilala ang modern pop-star sa kanyang fashion statement bilang ‘revolutionary’ sa kadalasang oversized sweatsuits, agaw-eksenang accessories at bold prints na mga kasuotan.

Dahil dito, hindi inasahan ng publiko ang kanyang debut appearance sa Met Gala ngayong taon suot ang isang damit na hango sa wardrobe ni Marilyn Monroe noong 1951 sa Oscar Awards.

Ngunit hindi lang ito ang rebelasyon sa likod ng Met Gala get-up ni Eilish.

Human-Interest

ALAMIN: Ang istorya sa likod ng viral FB post na 'Ang munting candy at kuwento ng tagumpay'

Ayon sa isang artikulo ng New York Times, isang kondisyon ang hinapag ni Eilish sa brand designer na si Oscar de la Renta para damitan ang global star sa kauna-unahang pagkakataon.

Kilalang isang vegan at animal rights activist si Eilish at strikto ang kaniyang creative designs na huwag tangkilikin ang anumang brand na gumagamit ng fur o balat ng hayop.

Isang mahirap na kondisyon para sa brand ni Oscar de la Renta ang tuluyang pagsuko sa fur material sa kadahilanang kilala ang kanilang brand dito.

Sa negosasyon ng dalawang panig, sumang-ayon kalaunan ang grupo ni Oscar de la Renta at nangakong ititigil na ng kompanya ang paggamit ng fur at pagbenta ng mga produktong gawa rito.

Sa Instagram, nagpasalamat si Eilish sa brand sa pagdinig sa kanyang adbokasiya.

“It was an honor to wear this dress knowing that going forward Oscar de la Renta will be completely fur-free! I am beyond thrilled that @fernandogarciam1205 and @tokibunbun and the entire team heard me on this issue, and have now made a change that makes an impact for the greater good, not only for animals but also for our planet and environment too," paglalahad ni Elish sa kanyang Instagram post.

Hinikayat din niya ang iba pang designers na sundan ang inisyatiba.

Screengrab mula sa Instagram ni Billie Eilish

“I’m honored to have been a catalyst and to have been heard on this matter. I urge all designers to do the same.”

Raymond Lumagsao