Ibinahagi ni Angel Locsin sa kaniyang social media accounts nitong Setyembre 12, na isang linggo na siyang nag-aalala para sa kaniyang amang si Angelo Colmenares, na nagpositbo sa COVID-19.

Kalakip ng kaniyang posts ang mga kuhang larawan at video ng kaniyang ama habang nasa loob ng ambulansya, patungo sa ospital. 94 taong gulang na si Mang Angelo na matagal nang walang paningin.

"It’s been a week of feeling helpless. Imagine having COVID at 94. Now imagine being blind in unfamiliar surroundings," ani Angel.

Ibinahagi niya na marami siyang realisasyon o napagtanto ngayong pandemya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"So many realizations during this pandemic. We all have our battles, but some definitely more than others. To the PWD’s and everyone fighting their battles alone, kapit! This too shall pass!"

Larawan mula sa IG/Angel Locsin

Agad namang nagpahatid ng kanilang panalangin ang mga kaibigan at kasamahan ni Angel sa showbiz para sa agaran nitong recovery. Nangunguna na riyan ang kaniyang matalik na kaibigang si Dimples Romana, na siyang kaisa-isang celebrity na naging saksi sa naging pag-iisang dibdib nila ng mister na si Neil Arce.

"Praying for you Daddy!!! Dito lang kaming lahat praying with you Mars," saad ni Dimples.

Narito pa ang ilang celebrities na nagpahatid ng kanilang panalangin at mensahe ng mabilis na recovery ng kaniyang ama, kabilang si ABS-CBN Chief Content Officer at ABS-CBN University President Charo Santos-Concio.

Judy Ann Santos: "Praying for your dad's fast recovery…"

Angeline Quinto: "Daddy magpagaling po kayo. Praying for you po Daddy. Dasal lang te."

Iza Calzado: "Praying for you Daddy! We know you’re such a fighter. Laban!"

Alessandra de Rossi: "Praying for your daddy…"

Cheska Garcia-Kramer: "Praying for your fathers fast recovery, Angel."

Darla Sauler: "Yakap mars. Praying for daddy and the whole family."

Bea Alonzo: "I'm praying for your family, Gel. Yakap!"

Charo Santos-Concio: "Praying for your Dad, Angel."

Angelo Colmenares at Angel Locsin (Larawan mula sa IG)

Ilan pa sa mga nagpahatid ng kanilang mga praying at heart emojis ay sina Jodi Sta. Maria, Amy Perez-Castillo, Janus Del Prado, Loisa Andalio, Liz Uy, Isabelle Daza, Carla Abellana, EA Guzman, at Marian Rivera.

As of this writing ay wala pang update mula kay Angel hinggil sa kalagayan ng kaniyang ama.