"Kaya 'wag mag-alala. Ipikit ang 'yong mata, ta'na. Pahinga muna, ako na'ng bahala. Labis pa sa labis ang 'yong nagawa. Mama, pahinga muna. Ako na"

Ramdam na ramdam ang pamamayagpag ng galing sa pagkanta ng P-pop male group na SB19 sa buong mundo.

Maging ang American music group na Torch Family Music ay nag-cover na ng kanta ng SB19 na "MAPA."

Sa kanilang Facebook post, nagpahayag ng pasasalamat at pagmamahal sa kani-kanilang magulang ang music group.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

"We don’t know where we would be without our loving nanay at tatay to show us the way and help us along the path back home to our loving God," caption nito sa kanilang post.

Hindi mo aakalaing mga banyaga ang umaawit sa galing at linaw sa pag-awit ng kantang MAPA.

Nagpasalamat naman ang Torch Family Music sa SB19 sa paghahatid ng makabagbag na awiting na MAPA.

"Thank you SB19 for this touching song about fathers and mothers. We love our parents and are so excited to sing this song. Please enjoy MAPA and then go and give your parents a hug and tell them you love them. :) God bless all of you!" pahayag ng grupo sa kanilang YouTube channel.

Sa ngayon, lumagpas na ng 27,000 views ang kanilang MAPA cover sa YouTube.

Matatandaan na inilabas ng SB19 ang MAPA noong May 16, 2021.