Ibinahagi ng Korean actor Park Seo-joon ang unang larawan niya sa London, England isang linggo matapos itong umalis sa South Korea para sa filming ng "The Marvels" ng Marvel Studios.

"Before sunset," saad ng 32-year-old star sa kanyang Instagram nitong Biyernes, Setyembre 10 na may larawan ng London skyline.

Umalis siya ng South Korea noong Setyembre 3 patungong London. At noong araw na din na 'yun, kinumpirma ng Awesome Entertainment, ahensya ni Seo-joon, na lalabas siya sa isang Marvel Studios movie.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/03/korean-actor-park-seo-joon-magiging-parte-ng-isang-bagong-marvel-movie/

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

“Park Seo Joon confirmed his appearance in the Marvel Studios movie and left the country this afternoon,” ayon sa ahensya

“We would like to thank the many people who have shown interest and support for Park Seo-joon’s new challenge. We are aware that many people are curious about the name of the work, the character, the filming location and the filming period. More information about the movie will be announced at a later date," dagdag pa nito.

Ang "The Marvels" ay sequel ng "Captain Marvel" na pinagbibidahan nina Brie Larson, Teyonah Parris, at Iman Vellani at Nia DaCosta bilang direktor. Ilalabas ang pelikula sa Nobyembre 11, 2022.

Ayon pa sa ulat, babalik ng South Korea si Park Seo-joon pagkatapos ng filming "The Marvels" sa pagtatapos ng taon.

Jonathan Hicap