Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 17,964 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Biyernes, Setyembre 10, 2021 sanhi upang umabot na sa 2,179,770 ang kabuuang kaso ng sakit.

Anang DOH, 88 na duplicates ang tinanggal mula sa kabuuang bilang. Sa naturang bilang, 74 ang gumaling habang dalawa naman ang namatay sa sakit.

Walong porsyento ng kabuuang bilang ay na-tag bilang aktibong kaso. 

Sa aktibong kaso, 87.8 na porsyento ang mild, 7.8 na porsyento ang asymptomatic, 0.6 na porsyento ang nasa kritikal na kondisyon, 1.3 na porsyento ang severe, at 2.48 na porsyento ang mayroon moderate na sintomas.

Nakaraos ba? Rave, Fred inurirat kung natiis pigilan ang ‘usual na ginagawa ng mga lalaki’

Samantala, naitala ang 168 na namatay na sanhi upang umabot sa 34,899 na ang kabuuang bilang ng namatay sa sakit.

Ayon pa sa DOH, 79 na kaso ang na-tag bilang nakarekober ngunit kalaunan ito ay mga namatay na matapos ang pinal na balidasyon.

Mayroon namang 9,067 na gumaling na sanhi upang umabot sa 1,969,401 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober  sa COVID-19.

Analou de Vera