Certified trending ilang oras lang matapos irelease ang debut single “La Lisa” ng miyembro ng Korean pop powerhouse Blackpink na si Lisa ngayong Biyernes.

Pasabog ang production sa parehong visuals at mismong kanta sa kauna-unahang solo ni Lisa, isa sa apat na miyembro ng massive Kpop girl group Blackpink mula South Korea.

Mula sa mala-reynang outfit changes, hindi binigo ni Lisa ang kanyang fans sa isang high-end production music video.

Umaapaw sa swag si Lisa sa dance choreography ng kanta na sinabayan ng ilang nakamamanghang location changes.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Tumabo na agad sa halos 18 million views ang music video ni Lisa sa Youtube tatlong oras lang mula nang ito'y mag-premiere sa Youtube.

Madali ring naging top trending ang kanta sa naturang website na pinag-uusapan na ng higit 250,000 comments na tadtad ng papuri sa visuals at bop na tunog ng kanta.

Samantala, sumabog din ang social media sites Twitter at agad na naging worldwide trending topic ang “Lalisa" na kasalukuyang mayroong 1.80 million tweets mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Nag-landing din bilang Top 5 sa iTunes US Chart Songs ang Lalisa patunay ang worldwide na suporta ng Blinks sa debut ni Lisa.

Samantala, kapansin-pansin din ang Thailand culture sa outfit at backdrop sa bandang dulo ng music video.

Matatandaan na mula sa bansang Thailand ang global artist na si Lisa.